Minggu, 10 April 2011

GMA Network's official statement on 'I Heart You Pare'

Nais pong ipaalam ng GMA Entertainment Television na ang role na "Tonette o Tonya" sa hit series na I HEART YOU PARE ay gagampanan na ni Ms. Iza Calzado simula ngayong Lunes, April 11.

Pinayuhan ng kanyang doctor si Ms. Regine Velasquez na pansamantalang magpahinga ng husto dahil sa 'severe migraine attacks' niya na maaaring dala ng puyat at pagod sa taping. 

Pinasiyahan ng Network na ibigay kay Regine ang nararapat na pahinga para sa kanyang agarang paggaling.

Puno ang tiwala ng Kapuso Network sa kakayahan ni Iza na ipagpatuloy at gampanan ang karakter na iiwanan ni Regine at lubos ang pasasalamat ng management sa buong-pusong pagtanggap niya dito.

Iniimbitahan ang mga taga-subaybay ng I HEART YOU PARE na abangan ang mga masasayang eksena nina Iza at Dingdong Dantes sa mga susunod na episode.

Ang I HEART YOU PARE ay isang orihinal na konsepto ng Kapuso Network at tuluy-tuloy na magbibigay-saya sa mga manonood gabi-gabi.

Text and photo courtesy of GMA Network

Meanwhile here’s the teaser for the upcoming episode on 'I Heart You Pare'







Ms. Iza Calzado as "Tonya / Tonette Star"


photo credits to I Heart You Pare Official Facebook Page

0 komentar:

Posting Komentar

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost