After ng movie nina Direk Wenn at Vice Ganda sa Viva Films, ano’ng susunod niyang project kay Boss Vic del Rosario? “Kinausap ko si Boss Vic, sabi ko, ‘yung susunod kong project gusto ko naman drama. This time, si
Claudine Barretto ang artista ko. Exciting, ‘di ba? Pumayag naman si Boss Vic, agad niyang tinawagan si Claudine at nag-set sila ng meeting. Tinawagan din niya ako. Balik-tambalan uli kami ni Claudine. Matagal na nga kaming hindi nagkikita, sa phone lang kami nagkakausap. Hindi ko alam kung pumayat na nga siyang talaga.
Gusto ko, ibang Claudine Barretto ang makikita nila sa pelikula ko at ang leading man ay si John Lloyd Cruz. Sana makuha ni Boss Vic si Lloydie, pumayag sana ang
Star Magic na magtambal ang dalawa, plus isang baguhang artistang lalaki,” excited na kuwento ni Direk Wenn.
Source: Pinoy Parazzi
0 komentar:
Posting Komentar